Ito'y panimula ng isang kaibang lakbaying blog sa udyok at malimit na pagukilkil ng ilang mga kasama sa tulong na rin ng isang mapagbigay na kasama. Matiyaga at mahinahon ang kanyang paggabay sa tunguhin ng blogger.com. Di ko tuloy naiwasang isipin na parang nakita ko na ang estilo ng kanyang pagtuturo. Parang nanyari na ito? Naalala ko na, may isang sine pamagat ay "karate kid" na kung saan ang titser "sensei "ay matiyagang nagtuturo ng "wax in,wax out,wax in,wax out"habang gamit ang basahang panglinis ng salamin ng sasakyan ng "sensei." Deja vu ba itong nararamdaman habang ginagabayan niya ako sa blogger? Ano itong nanyayari wika ko sa sarili ko? Isang uri ba ito ng energy na nariyan pero di mo makita na nariyan? Gusto ko sanang magkamot ng aking ulo ngunit nabahala ako,baka isipin niya na meron akong kuto. Alam ko naman na araw araw akong naliligo at nagpipisik pa ako ng aking murang perfume na binili ko pa sa Kohls! As a segwey, mabalita ko sa inyo hane yong tungkol sa perfume. Nag-sale sa Kohls, sa mura ng tinda, napasigaw ako ng, Oh my kohls, oh my kohls, it is so beri mura! It makes me so kilig naman noh!
Sori, got carried away ako doon sa kwento kong segwey. Seriously, So bigla akong namamangha na madali lang pala ang gumawa ng sariling blog. Uhmmm.Kaya naman pala marami ang nag-blo-blog. Blog dito, blog doon. Blog dito sa stets, blog sa pinas, blog everywhere, blog sa buong mundo.Wheww,blogging ninyo!
Nagpasalamat naman ako pagkatapos. Sabi ko sa pasasalamat, "thanks a lot,bro, I appreciate it so much!" Sagot niya, "you're welcome!" Para tuloy tumayo ang aking balahibo goose bumps sa aming paguusap sa kanong ingles. Kagyat na naglaro ang tanong sa isipan ko, tanggapin na kaya kami neto sa mainstream amerika? Kaming mga pilipino sa amerika? Ngunit panandalian lamang na ako'y natigilan para bagang nahimasmasan. Para akong winisikan ng napakalamig na tubig sa aking malasutla at may bakubaku ko rin namang mukha.
Walang kaabog-abog ay sabay na rin akong nagpaalam dala dala ang kaalamang blog. At sa aking pagbaba sa hagdanan mula sa ikatlong palapag ng bilding,maingat ang aking mga hakbang habang nagmumuni muni akong may hugis na ngiti sa aking pisngi. Malayo pa ang aking lalakbayin naisip ko. Tunay ngang masukal ang daan tungo sa daang minimithi. Ngunit meron ding paraan para gawing patag ang daan at panatag sa kalooban. Naalaala ko tuloy isang makabuluhan at popular na kasabihan sa Universidad ng Pilipinas, "Kung hindi ka kikilos,sinong kikilos,kung hindi ka kikibo, sinong kikibo,kung hindi ngayon,kailan pa?" Tunay ngang makabuluhan, bawat hakbang ay mararating mo. #
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment