Sa bawat hakbang
ay nag-iingat
sa bawat salita
ay pinagaaralan
Sabihin ang nararapat
ang hindi dapat
ito'y hindi sinasabi
manapa'y inililihim
Upang sa bandang huli
ang kaaway na nakaabang
mga matang nakamasid
ay di ka matukoy
Kalagayang nasa bingit
at walang kasiguruhan
habang ikaw ay
nasa sinapupunan
ng halimaw.
Pen Name: Ed Aliwalas
Date: 1/1/10 @7:30am
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment